Winchman/Signalman

Manila Multipurpose Terminal

$271-361[Mensual]
No - Manila3-5 anos ExpEnsino Médio Alto/SeniorTempo Inteiro
Compartilhar

Descrição do Trabalho

Benefícios

  • Recompensas e reconhecimento de funcionário

    Bônus de desempenho, Presente de Feriado

  • Benefícios gerenciados pelo Governo

    Pagamento no décimo terceiro mês, Fundo Pag-Ibig, Feriados Pagos, Saúde, SSS/GSIS

  • Saúde e Bem-Estar

    Seguro de Morte e Desmembramento Acidental, Seguro Dental, Seguro de Deficiência, Assistência Médica, Seguro de saúde, Seguro de Vida, Seguro Mental, HMO

  • Tempo de desligamento e Saída

    Maternidade e licença de paternidade, Licença médica, Licença Pai Solo, Licença especial para mulheres, Férias Deixadas

Ler Mais

Descrição:

A. PANGUNAHING TUNGKULIN

  • Ang pangunahing trabaho ng Winch Man at Signal Man ay ang maingat, mahusay, at ligtas na pagbira at/o pag-arya, at paglipat ng kargamento mula sa bodega papuntang pantalan o gibara, at pagbalik ng pluma sa bodega (o kabaligtaran ng prosesong ito) nang walang nasisirang kargamento.

 

B. DETALYADONG MGA TUNGKULIN

1. Standard Operating Procedure

  • Pumasok tatlumpung minuto bago magsimula ang shift para makapaghanda para sa trabaho.
  • Magsuot ng kumpletong PPE (Personal Protective Equipment) sa pagpasok at habang nasa mga lugar na kailangang naka-PPE.
  • Hard hat
  • High-visibility clothing/reflectorized vest
  • Mask
  • Safety shoes
  • Gloves
  • Safety goggles
  • Magdala ng identification card o ID, na siyang ipapapalit sa gwardiya na nasa labas ng gate, para sa gate pass.
  • Ipresenta ang bag at ano mang bagay na kailangang siyasatin ng gwardiya.
  • Pumirma sa Stevedore’s Gang Roster bago at pagkatapos ng shift na dala ng Cabo

2. Sakop ng Trabaho at Tungkulin

Safety First:

  • Ang kaligtasan sa bawat trabaho ang pinakamahalagang alituntunin na kailangang isa-alang-alang ng lahat. Huwag pumunta sa mga lugar kung saan may malaking banta ng panganib, lalo na sa mga kargamentong maaaring gumulong, o mga kargamentong hindi matibay ang pundasyon, upang maiwasan ang aksidente.
  • Dumalo sa Pre-Discharging Operations Meeting (Pre-DOM) o gang briefing sa simula ng shift na pangungunahan ng Cabo. Dito pag-uusapan at tatalakayin ang klase at bigat ng mga kargamento, alin ang bibirahin, target na produksiyon, Safe Working Load (SWL) o nakatakdang bigat na maaaring buhatin gamit ang vessel crane o pluma, at mga panabit, nakatakdang bilang ng kargamento sa bawat birada, at iba pang mahahalagang tagubilin. Siguraduhing naintindihan at naitanong ang lahat ng detalye na kailangan sa pagsasagawa ng trabaho.
  • Siguraduhing pamilyar sa vessel crane o pluma lalo na sa Safe Working Load (SWL) o nakatakdang bigat na maaaring buhatin gamit ito.
  • Kailangang maging pamilyar sa iba’t ibang uri ng panabit, at kung sa anu-anong kargamento ginagamit ang mga ito, lalo na ang SWL, at kung akma ba ang SWL ng pluma, at panabit para sa kargamentong binibira.
  • Magtrabaho nang maayos at mabilis upang matugunan ang target na produksiyon.
  • Ang Winch Man at Signal Man ay nagpapalitan ng trabaho kada kalahati ng shift

Detalyadong Tungkulin ng Winch Man

  • Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang kalagayan ng mga lugar na maaaring matamaan, mahagip, o masira dahil sa paggalaw ng pluma. Siguraduhing walang matatamaang tao, o bagay dahil sa paggalaw o paglipat ng pluma.
  • Pagmasdan at intindihing mabuti ang senyas na ibinibigay ng Signal Man o Cabo bago pagalawin ang pluma. Habang kasalukayan ang pagbira o pag-arya, siguraduhing nakikita at nauunawaan pa rin ang senyas na ibinibigay.
  • Laging tandaan na ang Signal Man ay nagsisilbing gabay sa pag-o-operate ng pluma. Siguraduhing tama pa din ang ginagawang klase ng operasyon sa pluma sa pamamagitan ng pagmasid at pag-countercheck sa nangyayari sa pluma.
  • Ingatan ang lahat ng klase ng kargamento. Bukod dito, maging maingat din sa pluma, at sa barko. Iwasang mauntog ang mga kargamentong binibira, o di kaya ay ang block/bloke, sa hatch coaming (o labi ng bodega), gilid ng barko, morada, sa railings, o sa kahit na anong parte ng barko.

Detalyadong Tungkulin ng Signal Man

  • Maghanap ng lugar sa hatch coaming kung saan madaling makita ng Winch Man. Mula sa lugar na ito, kailangang nakikita ng Signal Man ang kaganapan sa loob ng bodega, o sa pantalan.
  • Magbigay ng kaukulang senyas sa Winch Man. Unawain, at ipasa nang tama at maingat sa Winch Man ang mga senyas na ibinibigay ng mga Istiba o Dock Workers lalo na kung kakalagay pa lang ng panabit sa mga kargamento, o kakasimula pa lang ng bira.
  • Sa paglipat ng birada sa bodega papuntang pantalan o gibara (o kabaligtaran), kailangang lumipat ng pwesto kung saan madali pa ding makita ng Winch Man, at kung saan nakikita ang kaganapan sa kung saan ilalapag/ibababa ang kargamento.

Requisito

C. KWALIPIKASYON/QUALIFICATION:

  1. Edukasyon: Lebel ng high school.
  2. Karanasan: Tatlo hanggang limang taong karanasan sa pagpapatakbo o paggamit ng pluma sa mga kumpanyang may kinalaman sa pamamahala ng pier, o sa pagbubuhat ng iba’t ibang uri ng kargamento gamit ang pluma at may sapat na kaalaman sa mga senyas o hand signals.
  3. Kakayahan: Kailangan ay marunong at mahusay mapatakbo o gumamit ng pluma. May sapat na kaalaman kung paano dapat itaas at ibaba ang iba’t ibang uri ng kargamento. Kailangan ay marunong din umintindi at magbigay ng ng mga senyas o “hand signals” upang matulungan ang Winch Man sa paggalaw ng pluma.
  4. Kondisyon at Oras ng Trabaho: Ang trabaho ay sa loob ng control cab ng crane para sa Winch Man. Para sa Signal Man ay sa malapit sa hatch coaming o sa railings na madaling makita ng Winch Man. Ang oras ng trabaho ay 0700H–1900H o kaya ay 1900H–0700H. May pagkakataon ding bigyan ng ektensiyon ang shift ng Winch Man at Signal Man kung malapit nang matapos ang operasyon sa barko.
  5. Kasarian at Kondisyon ng Katawan: Lalaki, nasa maayos at malusog na pangangatawan at walang lula sa matataas na lugar.
Vessel Crane Operator
Preview

Trixia Alipio

Workforce Planning and Recruitment SupervisorManila Multipurpose Terminal

Responder Hoje 1 Vez

Local de trabalho

Manila Multipurpose Terminal. Mel Lopez Blvd., Vitas, Bonifacio V. Romero Blvd, Tondo, Manila, 1013 Metro Manila, Philippines

Postado em 05 May 2025

Report this job

Bossjob Safety Reminder

If the position requires you to work overseas, please be vigilant and beware of fraud.

If you encounter an employer who has the following actions during your job search, please report it immediately

  • withholds your ID,
  • requires you to provide a guarantee or collects property,
  • forces you to invest or raise funds,
  • collects illicit benefits,
  • or other illegal situations.